MANUNULAT
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Abril 3, 1999
I
Ang bawat kong isinulat ay unawain,
Ito ay hinango sa iba't ibang damdamin.
Maaaring ito ay kay hirap na sambitin,
Aking inilimbag upang damdamin ay mapansin.
II
Sa pagsusulat ako nagiging malaya,
Inilalahad ang damdaming hindi maisalita.
Ang panulat ko at papel ay umuunawa,
Sa bawat inihahayag ng aking diwa.
III
Ang kamay, isipan at puso ko ay nagkakaisa,
Kapag hawak ko ang panulat, diwa ay sumisigla.
Ito lang ang sa akin ay nagbibigay ng saya,
Inililimdag ang nasa diwang kay ganda.
IV
Kamay ng orasan ay hindi namamalayan,
Lumilipas ang sandali na hindi nagdaan.
Ligaya at lungkot ay pantay ko kung tingnan,
Sa bawat damdamin, patas ang aking timbangan.
V
Mundo ng manunulat ay walang katalo,
Sa sarili ay hindi nakikipag-argumento.
Sinasaliksik ang kuwento ng bawat tao,
At sinasakyan ko ang iba't ibang mundo.
VI
O kay sarap damhin ang damdamin ng iba,
Puso at isipan nila ay aking nakikita.
Tuwing isinusulat ko ang bawat istorya,
Yaring aking diwa ay tunay na sumisigla.
Comments