top of page
Search

MUNDO KO AY DIWA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 22, 2007

I

Ang nais ko sana ay lumutang sa hangin,

At ang nasa paligid ay hindi pansinin.

Ibig ko din sumama sa mga bituin,

Upang sa kaitaasan ako ay hindi abutin.

II

Hangad ko ay tumayo sa tuktok ng bundok,

O magtago sa silid sa isang sulok.

Pagod na ako sa bawat kakasalok,

O uminom ng kahit anong nilalagok.

III

Nais kong magtago sa gitna ng dagat,

Sumabay sa isda o sa mandaragat.

Ibig kong lumangoy kahit na may sugat,

Itago ang sarili sa tubig alat.

IV

Malimit kong gawin ay magtago sa ilalim,

Ipikit ang mga mata sa gitna ng dilim,

Ayaw kong tingnan kahit na ang kulimlim,

O nag-aagaw dilim sa takip silim.

V

Hindi ko nais ang maraming kausap,

Pawang lungkot lang ang aking nalalasap.

Mabuti pa ang sa ibabaw ng ulap,

Ang mag-isa ang tangi kong pangarap.

VI

Nais kong humiyaw at magkandaiyak,

Isigaw ang galit na sa puso ay nagwasak.

Iparirinig ko lakas ng halakhak,

Lungkot at hirap aking kinagagalak.

VII

Mas mabuti pa ang ako ay mag-isa,

At hindi ko ninais ang may kasama.

Paninikip nitong dibdib sa tuwina,

Ang nadarama ko sa piling ng iba.

VIII

Hayaan mo akong mabuhay sa lungkot,

Sanay ako sa pamumuhay na gusot.

Bayaan ang puso ay mapuspos ng sigalot,

Kaya kong lakaran ang ibabaw ng lumot.

IX

Yaring isipan ko ay bigyan mo ng laya,

Pabayaan mong diwa ko ay makawala.

At ibigay ang nais kong matamasa,

Mamuhay sa mundo ng sariling diwa.

X

Ang lahat ng bagay ay kaya kong ikubli,

Dahil ang isipan ko'y mapagkatha at mapagmuni.

Naitatago ko ang kabiguan sa isang tabi,

Maging ang kasawian na humuhuni.

XII

Bawat bagay ay mayroong hangganan,

Ang hangin at tubig ay may patutunguhan.

Yaring kaisipan ay may kinalalagyan,

Kinipkip ko ang diwa sa mundo kong nakagisnan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page