NAG-IISA KA
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
2002
I
Hindi na mahalaga ano mang sasabihin mo,
Wala nang saysay ang mga paliwanag mo.
Nasaktan na ako at nasugatan mo,
Mga ginawa mo ay nakabaon na sa dibdib ko.
II
Walang bagay ang sa akin ay makasasakit pa,
Bawat ginawa mo ay nakahihigit sa higit pa.
Ano mang dahilan mo ay hindi ko makita,
Basta ang alam ko, ako ay nasaktan mo na.
III
Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa akin,
Kakayahan ko ay hindi mo kayang ariin.
Kung maliit man ang tingin mo sa akin,
Paniniwala mo ay akin pa rin rerespetuhin.
IV
Hayaan mo na lamang ang aking paglayo,
Upang aking mapahilom sinugatan mong puso.
Darating din ang muli nating pagtatagpo,
At muling magbabalik lambing ng pagsuyo.
V
Sapagkat dito sa puso ko ay nag-iisa ka,
Lumipas man ang panahon ay hindi mabubura.
Ang pagmamahal ko sa iyo aking sinta,
Na tanging sa iyo ko lang pinadama.
VI
Ganyan kita kamahal, walang hangganan,
Hindi matatapos at walang kamatayan.
Ito ay tanging sa iyo ko lamang inilaan,
Makarating man ako sa huling hantungan.
Comentarios