top of page
Search

NAIS KITANG HAPLUSIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 20, 1998

I

Ikaw ay nais kong haplusin,

Ipadama yaring damdamin.

Mahalin ka ay aking mithiin,

Sapagkat ikaw ay aking bituin.

II

Ikaw ay nais kong makita,

Ngunit takot akong tingnan ka.

Tinig mo ay hinangad ko sa tuwina,

Pero ayaw kong marinig ka.

III

Nahihiya ako na ikaw ay kausapin,

Baka ako ay hindi mo dinggin.

Kaya itinago ko itong damdamin,

Na hindi ko kayang banggitin.

IV

Haplusin ka ay hindi ko magawa,

May takot na hindi maunawa.

Nasa puso ko ay waring sumpa,

Nang karanasang natamasa.

V

Hindi ko man naipadama,

Ang pag-ibig kong hindi naipakita.

Bibitbitin ng puso yaring pagsinta,

At itatangi ko yaring alaala.

VI

Pinaubaya ko sa panahon,

Ang damdamin ay aking ibinaon.

Sa alaala ay ililingon,

Pagsintang hindi makaahon.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page