top of page
Search

NAIWAN AKONG NAG-IISA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Mayo 13, 2007

I

Aking pinagtakahan ang bawat bagay,

Ngunit hindi ko inusisa yaring lumbay.

Kalungkutan ang tangi kong karamay,

Sa bawat dusang sa akin ay inilatay.

II

Lumalaki akong walang nakitang iba,

Sa loob ng tahanan ako ay walang kasama.

Bigkasin ko man ang damdaming kay ganda,

Walang saysay sapagkat ako ay nag-iisa.

III

Sa hindi alintanang bugso ng damdamin,

Humiyaw sa puso ko ang hindi ko pansin.

Nais kong sa akin ay may tumitingin,

Pagmamahal na tunay nawa ay kamtin.

IV

Bakit ba ako ay naiwang nag-iisa?

Pighati ang kasama ko at pagdurusa.

Matapos akong buuin sa pagsinta,

Iniwan sa gitna ng walang kasama.

V

Bigat ng dala ko sa puso ay pumatay,

Sapagkat hindi ko batid sa akin ay inilatay.

Sa gitna ng unos ay walang gumagabay,

Puso ko ay nagpaagos at nagpatangay.

VI

Damdamin ko ay binigkis nitong pighati,

Hinagpis ang sa dibdib ko ay nagtali.

Sa kalungkutan ako ay hindi sawi,

Sapagkat ang lumbay sa akin ay nagpawagi.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page