top of page
Search

NAKALARAWAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Disyembre 2006

I

Napakahirap simulan ang bawat nakaraan,

Sapagkat may pusong sa kahapon ay nasugatan.

May diwa at damdaming pilit na iniingatan,

Upang hindi manumbalik ang hapding naranasan.

II

Isang pusong sa kahapon ay salat sa pagmamahal,

Kamusmusan ay lumampas, waring pinagbawal.

Kahirapan sa buhay sa akin ay dumatal,

Karukhaan at kalungkutan, dinaan ko sa dasal.

III

Nagsikap at lumaban sa takbo nitong buhay,

Kahit isang paa ko ay nakabaon sa hukay.

Hindi alintana masugatan man yaring kamay,

Maging gabi’t araw sa akin ay pantay-pantay.

IV

Sa aking pagkakatayo tingin ninyo ay nakatindig,

Wari bang kaya kong hawakan ang buong daigdig.

Para bang ang lahat ay kaya ng aking mga bisig,

Ngunit 'di ninyo alam, puso’y may mahinang pintig.

V

Yaring damdamin ko ay hindi ninyo nababatid,

At pawang luha ang sa akin ay inihahatid.

Kayo nga ba'y sadyang may pusong manhid?

Damhin ang pagmamahal kong hindi napapatid.

VI

Paghihirap ko ay sa inyo ko inilalaan,

Pagmamahal ko sa inyo ay walang hangganan.

Kahit na ang puso ko ay tunay na masaktan,

Kayo pa rin ang sa puso ko ay nakalarawan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page