top of page
Search

NASAYANG NA PANGAKO

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 1991

I

Pag-ibig ko sa iyo ay hindi maglalaho,

Walang katapusan ang aking pangako.

Ipakikita ko hangarin ng puso,

Upang ang lahat ay iyong mapagtanto.

II

Ang hirap ipaglaban nitong pag-ibig,

Dahil sa puso ay maraming ligalig.

Nangangamba akong tumigil ang pintig,

Nitong aking pusong tapat na umiibig.

III

Alam kong hindi mo nababatid ang lahat,

Kaya ang pag-ibig mo ay sa iba inilipat.

Huwag mong isipin na ako ay hindi tapat,

Balikan ang kahapon na sa puso ay sumugat.

IV

Hindi kita masisisi sa iyong paglisan,

Karapatan mong sundin ang iyong kalooban.

Makaaasa kang hindi kita pipigilan,

Lalayo ako sa iyong kapakanan.

V

Aalis na ako at hindi na magtatagal,

Sapagkat ang mahalin ka ngayon ay bawal.

Mas pinili mo ang sa iba ay magmahal,

At ang pag-ibig ko ay itinuri mong hangal.

VI

Tuluyan na ngang naglaho ating pangako,

Mga sumpaan natin na nagmula sa puso.

Sadya ngang mali ang ating pagkakatagpo,

Kaya makabubuting tuluyan ng magkalayo.

VII

May hangganan pala ang iyong pag-ibig,

Kaya agad kang sumuko sa kaunting ligalig.

Itinigil mo agad ang bawat pintig,

Nitong puso mong dati sa akin ay umiibig.

VIII

Tunay na nasayang ang ating pangako,

Dahil ang tadhana sa atin ay nagbiro.

Tinukso tayo at inaliw ang puso,

Nang matutong umibig puso ay pinaglayo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Opmerkingen


bottom of page