top of page
Search

NGAYONG KAILANGAN KITA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Nobyembre 6, 2001

I

Pinalipas ko ang lilipas,

Pinadaan ko ang dadaan.

Nangyari ang mangyayari,

At naganap na nga ang lahat.

II

Ibinukas mo ang iyong palad,

Sa kanila na nangangailangan.

Ibinuhos mo ang lahat,

Kahit hindi ka hinihingian.

III

Ako ay nagkubli sa isang tabi,

Kahilingan ko ay hindi ko sinabi.

Bawat daing ko ay aking isinantabi,

Sa iyo ay hindi binanggit yaring ikinubli.

IV

Napagod kang sa kanila ay magbigay,

Pinutol mo na ang sa kanila ay mag-alay.

Umayaw ka na at tuluyang humiwalay,

Nang kailangan kita, ayaw mo ng dumamay.

V

Puso ko ay umiiyak sa aking natamo,

Umaasang nariyan ka at sa akin ay aamo.

Subalit ikaw ay tuluyang lumayo,

At ako ay hindi nilingon sa pagsusumamo.

VI

Hindi ko kailangan ang ano mang bagay,

Ibig ko lamang ay may karamay.

Sa paghakbang ko nitong buhay,

Inasahan ko ang iyong paggabay.

VII

Ngunit ikaw ay sadya ngang sumuko,

At sa puso ay tuluyan ng nagtago.

Hindi na pansin puso kong nanunuyo,

Hindi na mahalaga kahit ako ay mabigo.

VIII

Kung iyan ay iyong kagustuhan,

Gawin mo ng may kasiyahan.

Tanggap ko ang iyong pag-iwan,

Ang mahalaga ikaw ay may katahimikan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page