top of page
Search

PAGHIHIWALAY

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Abril 22, 1999

I

Napakasakit tanggapin ang paghihiwalay,

Nakakadurog ng puso sa minamahal ay mawalay.

At dahil dito ay hahangarin mo ang mamatay,

Lalo na kung iiwan ka ng isang mahihimlay.

II

Lahat ng uri ng paghihiwalay ay mahirap tanggapin,

Bawat sakit ay hindi madaling unawain.

Malulunod ang puso kung ito ay sasapitin,

Sapagkat ang luhang pumapatak ay kay hirap pigilin.

III

Ang kamatayan ay isang hantungan,

Na sadyang nakatakda at nakalaan.

Ito ay hindi maaaring hadlangan,

Kusang magaganap yaring kamatayan.

IV

Tanging kailangan ay pagtanggap,

At paghahanda sa bawat magaganap.

Hindi maiiwasan na ito ay malasap,

Kaya kailangan ay matuto tayong humarap.

V

Totoong masakit ang maiwanan,

At hindi madali na ito ay kalimutan.

Kahit sa alaala ang tao ay nasasaktan,

Ngunit lilipas din ano mang kapighatian.

VI

Sadya ngang tayo ay wala ng magagawa,

Tanggapin na lang natin ang ano mang iniadya.

Iluha na lamang ang kayang iluha,

Sa huling patak, ito ay iyo ng mauunawa.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

留言


bottom of page