top of page
Search

PAGPAPALAYA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Enero 25, 2015

I

Akala ko ang kamalian ay pinagsisisihan,

Hindi pala... Ito ay dapat na hinahangaan.

Kasalanan lamang ang dapat talikuran,

Hindi ang mali na sa iyo ay may aral na inilaan.

II

Sa buhay na ating hinahakbang,

Huwag ikabahala ang iyong nilalakaran.

Kung may luha at pighating ating nadaanan,

Ikaw ay mapalad sapagkat iyong nalampasan.

III

Lagi mong iisipin na ang saya ay nasa isipan,

Ikaw ang magtanim at anihing may katwiran.

Lasapin mo ang sayang hindi nababayaran,

At ang ganda ng buhay ay iyong matatagpuan.

IV

Iwasan mong lumuha ng dahil sa pighati,

Sayang ang saya kung sa lungkot ika'y lalagi.

Hangarin mong mabuhay na may saya at ngiti,

Ang kabiguan at kalungkutan ay iyong mahahawi.

V

Ang tagumpay ay hindi nakikita ng nagwawagi,

Hanggat hindi niya batid kung paano ang masawi.

Ikagalak mo kung ikaw ay lumuluha at humuhuni,

Bawat bulong ng kasawian ay may sayang babati.

VI

Iyong pag-aralan ang maging mahinahon,

Dito mo makikita ang isang pagkakataon.

Kung ika'y may galit, sa luha ay huwag lilingon,

Sapagkat ito ay aagos ng paparito at paparoon.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page