PAGSINTANG KAY TAMIS
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 5, 2007
I
Pagsintang kay tamis ay hindi ko inasahan,
Dumating sa buhay ko ng hindi ko namalayan.
Tumibok yaring puso ko ng walang dahilan,
Ang tanging nadarama ko ikaw ay hinahangaan.
II
Sa bawat araw ay nais kitang makita,
Sapagkat umusbong ang damdaming kakaiba.
Nagagalak ang puso kong sa iyo ay sumisinta,
Para bang ikaw ay dati ko ng kakilala.
III
O kay hirap sambitin yaring aking damdamin,
Nahihiya akong pagsinta ko ay aminin.
Sapagkat natatakot akong hindi mo pansinin,
At pagmamahal ko ay ituring mong isang hangin.
IV
Ang lakas ng loob sa puso ko ay pinagawa,
Tinanggal ko sa diwa ang sa iyo ay mahiya.
Sapagkat nais kong ikaw sa akin ay iadya,
Nitong kapalaran nating sadyang mapagpala.
V
O kay tamis ng pagsinta sa unang pag-ibig,
Puso ay lumulutang sa ibabaw ng daigdig.
Hanging umiihip sa puso ko ay isang himig,
Damdamin ko ay kinikilig sa malamyang tinig.
VI
Pagsintang kay tamis sa puso ay hindi lumilipas,
Pag-ibig ay lumalatay sa pusong hinampas.
Nagmamahal na damdamin ay hindi maaagnas,
Sapagkat ang unang pag-ibig ay hindi kumukupas.
Comments