top of page
Search

PANGAKONG TINAKASAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 1999

I

Ako ay nagkulang at sa iyo ay nagkasala,

Sapagkat 'di ko natupad ang pangako ko sinta.

Na tayo ay magsasama sa tuwi-tuwina,

Sa bawat sandali ng aking hininga.

II

Sa mga kasalanan ko ay ikaw ang nagturo,

Sapagkat humayo ka at sa akin ay lumayo.

Sinaktan mo ako at puso ko ay binigo,

At dahil dito pangarap ko ay gumuho.

III

Pinagpalit mo ako at iniwanan,

Pagmamahal mo ay walang katuturan.

Nilisan mo ako dahil sa kataksilan,

Tunay ka ngang isang salawahan.

IV

Salitang paalam sa akin ay hindi mo binanggit,

Wala kang paliwanag sa iniwang hinanakit.

Araw man o gabi ang sa iyo ay sumapit,

Hindi ka nagnasang sa akin ay lumapit.

V

Nararapat lang na kita ay takasan,

At huwag nang sa iyo ay makipagbalikan.

Ikaw ay hindi tapat at hindi huwaran,

Dapat sa iyo ay tuluyan ng kalimutan.

VI

Kung hindi man natupad ang aking pangako,

Nararapat lang na ito ay gumuho.

Mabuti na lang ako ay hindi napabilanggo,

Sa isang katulad mong mapagbalatkayo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Kommentarer


bottom of page