top of page
Search

PANSIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 1999

I

Ayaw ko ng ako ay tinatanggihan,

Sa bawat kong kahilingan ako ay pagbigyan.

Hindi ko ibig ang ano mang kabiguan,

At sa bawat tanong, kailangan ko ay kasagutan.

II

Sadya ngang ako ay nahingi ng pagtingin,

Puso ko ay naghihikahos sa damdamin.

Ang lahat-lahat ay kaya kong pag-ariin,

Ngunit hindi ang kakulangan ng pansin.

III

Diwa ko ay kinakapos sa pang-unawa,

Bunga ng pighating aking natamasa.

Ang kalupitan sa akin ay iniadya,

Sarili ay nalunod sa sariling luha.

IV

Ikalinga ninyo ang puso kong bigo,

Pinatigas ng kabiguang natamo.

Ang pagpansin sa hiling ko ay pag-amo,

Bawat kong daing sa inyo ay panunuyo.

V

Lambing ng puso ko ay inyong pansinin,

Upang maibalik ko yaring damdamin.

Puso ko ay lalambot kung hahaplusin,

Dahil ang damdamin ay madaling kausapin.

VI

Pansinin ang pusong uhaw sa pagsuyo,

Upang kapayapaan ay muling matamo.

Sa habag ninyo ako ay nagsusumamo,

Tulungan ninyo akong sarili ay itayo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page