PARAISONG BUKID
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
2007
I
Sa bukid ang lahat ng dahon ay luntian,
Bawat ibon ay masayang nagliliparan.
Hindi alintana, kahit na mainitan,
Ang simoy ng hangin ay masarap pakinggan.
II
Dito namumuhay ang pamilyang masaya,
Ang tanging pangarap ay kamtin ang ligaya.
Hindi naghahangad ng damit na maganda,
Pagkain na masarap o limpak na pera.
III
Ligaya ay sa kasiyahan nakikita,
Kakuntentuhan ang magpapasaya.
Matutong mangarap sa tuwi-tuwina,
Abutin ang ginto sa abot ng kaya.
IV
Dito sa bukid ay naandito ang lahat,
Buhay ay giginhawa at hindi salat.
Basta kaya mong tikman ano mang alat,
Biyaya ay sa iyong kamay ilalapat.
V
Sa kadiliman ang bituin ay matatanaw,
Liwanag ang sa iyo ay tatanglaw.
Kahilingan ay iyong maisisigaw,
Sa pagbagsak nitong gintong bulalakaw.
VI
Damhin mo ang bawat bagay sa paligid,
Kasiyahan ang sa iyo ay ihahatid.
Ligaya ay madarama ng walang patid,
Mamalagi ka sa paraisong bukid.
Comments