top of page
Search

PUSO AY HINDI NAKAKALIMOT

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1994

I

Ligaya at dusa ay lubhang masalimuot,

Kaya marahil ikaw ay nakalimot.

Mga pangyayaring sadyang nakakabagot,

Sumira sa damdaming hindi mahuhugot.

II

Sa isang panahon nitong aking buhay,

Ikaw ay minahal ng walang kapantay.

Iniwan mo ako na sa iyo ay naghintay,

At nilisan mo ako ng walang salaysay.

III

Walang alaalang iyong binalikan,

Maging sa isipan mo ako ay kinalimutan.

Ang tamis nitong ating pagmamahalan,

Luha ang pinadama at ako'y iyong tinalikdan.

IV

Ang puso kong ito ay hindi nakakalimot,

Kahit kasawian ang sa puso ko ay idinulot.

Pag-ibig ko sa iyo, sa puso ko ay gagamot,

Pighating dulot mo sa akin ay hindi salot.

V

Hindi ko binibilang ang takbo ng araw,

Pagmamahal ko sa iyo ay hindi magagalaw.

Kahit panahon ang sa dibdib ko ay humataw,

Sa ating alaala, sarili ko ay hindi ibibitaw.

VI

Kung sakali man ako ay iyong balikan,

Makakaasa kang hindi kita tatalikuran.

Sapagkat hindi ko nilimot itong pagmamahalan,

Na aking itinangi at sa iyo lang inilaan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentários


bottom of page