top of page
Search

PUSO MO AY UMIIBIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Abril 1991

I

Huwag kang magbingi-bingihan,

Huwag kang magbulag-bulagan.

Harapin mo ang katotohanan,

Lalo na kung iyong nararamdaman.

II

Ihayag mo kung ano man ang nasa puso,

Itigil mo na ang pagbabalatkayo.

Isang kahibangan kung ito ay itatago,

Itakwil mo man ay hindi pa rin maglalaho.

III

Pag-ibig, pag-ibig, ito nga ba ay pag-ibig,

O suliranin lamang dito sa daigdig?

Ngunit bakit patuloy ang kanyang pagpintig,

Hindi maawat, 'di mapigil, sadyang nakaliligalig?

IV

Huwag kang magtago sa likod ng salamin,

Huwag mong yurakan ang bato sa buhangin.

Huwag mong bilangin ang dami ng bituin,

Basta pakinggan mo ang bulong ng damdamin.

V

Huwag mong alamin ang lalim ng dagat,

Huwag mong sukatin ang magaan at mabigat.

Huwag mong lasahan ang asin na maalat,

Huwag kang mangambang gawin ang nararapat.

VI

Huwag mong itanong kung masakit ang masawi,

Huwag mong isagot na ikaw ay magwawagi.

Masaktan ka man, ito ay bahagi,

Lilipas din iyan at mapapawi.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page