top of page
Search

SA HULING SANDALI

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2014

I

Hindi ko batid ang aking hangganan,

Ang ngayon at bukas ay hindi ko matunghayan.

Tangi kong nalalaman, ako ay lilisan,

Ngunit ang hindi ko batid, kung ito ay kailan.

II

Bawat araw sa akin ay huling sandali,

Upang ang magmahal ay aking imithi.

Wala akong ginawang iyong ikamumuhi,

Ako ay kumalinga sa sino mang sawi.

III

Binuksan ko ang mga pusong bigo,

Ligaya ay pinadama at aking sinuyo.

Tangi kong hangad ang nais nila ay matamo,

Inilahad ko ang kapayapaang nagtatago.

IV

Pinakilala ko ang buhay at pag-ibig,

Hinawi ko ang lungkot na nakaliligalig.

Sila ay niyapos ng aking mga bisig,

At ang aking himig sa kanila ay pinarinig.

V

Ang bawat isa ay binigyan ko ng halaga,

Patas at pantay ang aking ipinadama.

Wala akong itinangi na kahit isa,

Maging sarili ko ay itinuri kong kaisa nila.

VI

Huling sandali ang bawat kong oras,

Upang ang magmahal, sa puso ay maipamalas.

Kahit buhay ko ay tila hindi agad lilipas,

Ako ay masaya kahit na biglang lumikas.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page