top of page
Search

SA ILALIM NG DAGAT

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 1999

I

Sanhi ng pag-agos sa dalampasigan,

Tinahak ko ang daang walang patutunguhan.

Napadpad ako sa landas na hindi ko alam,

Ni sa panaginip ay hindi ko ito nasumpungan.

II

Hindi ako naligaw sa aking tinungo,

Natunton ko ang daang inilaan ng nagsugo.

Bawat gawin ko ay walang pagkabigo,

Kahit na ang kapalaran sa akin ay nagbiro.

III

Gaano man kalalim ang dagat kong sinisid,

Nakaahon ako at hindi na namanhid.

Ngunit nasugatan at nagkabahid,

Sapagkat sa dagat ay may nakapapatid.

IV

Sa ilalim ng dagat ay doon ako nasaktan,

Doon ay nadama ko kung paano yurakan.

Luha ko ay umagos at hindi napigilan,

Ganyan kasakit ang aking naranasan.

V

Hindi nabubura ang lahat ng lamat,

Ngunit naghihilom ang ano mang sugat.

Lumilinaw ang tubig sa dagat,

Ngunit hindi tumatabang pagiging maalat.

VI

Bawat sakit na aking narasan,

Katumbas nito ay isang kaligayahan.

Wagas na pag-ibig ang aking nakamtan,

Sapagkat natunton ko ang hindi ko inaasahan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Commentaires


bottom of page