top of page
Search

SA IYONG PAGLALAKBAY

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Oktubre 27, 2013

I

Ang iyong mga kamay ay aking akay-akay,

Upang sa lalakaran mo ako ay umalalay.

Malayo man ang iyong paglalakbay,

Paa ko ay ititindig upang sa iyo ay gumabay.

II

Ako ay nakamasid sa bawat mong hakbang,

Upang sa lungkot aking anak kita ay ilutang.

Kung ang kabiguan sa iyo ay nakaabang,

Unawa sa puso mo ay aking idadarang,

III

Huwag kang matakot sa iyong paglalakbay,

Ang buhay anak ay sadyang hindi pantay-pantay.

May lungkot at saya na sa iyo'y naghihintay,

Upang iyong madama ang kabiguan at tagumpay.

IV

Yaring Pagmamahal ko ay iyong angkinin,

Ikuwintas mo sa isipan at damdamin.

Kasama mo ako sa bawat mong haharapin,

Ang aking pag-ibig anak ay iyong alipin.

V

Huwag kang bibitaw sa hamon ng buhay,

Lahat ay harapin mo at ikaw ay magtatagumpay.

Walang isang sandaling ako'y 'di mo karamay,

Ako'y tanglaw mo at sa daan mo'y pumapatnubay.

VI

Sa iyong paglalakbay ako'y nasa iyong likuran,

Umasa kang ikaw ay hindi ko pababayaan.

Bagamat hindi sapat ang aking kakayahan,

Pag-ibig ko anak ay isa mong kayamanan.

VII

Hindi mo mararamdaman ang lumuha sa pighati,

At ang puso mo ay hindi masasawi.

Lahat ng pasakit na sa iyo ay dadampi,

Lilipas anak na waring 'di nangyari.

VIII

Ikaw ay pinatibay ng bawat kong gabay,

Pagmamahal ko ang sa luha mo'y aalalay.

Sa iyong paglalakbay tayo'y magkapit kamay.

At ang lahat ay harapin natin ng sabay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page