top of page
Search

SA MULI KONG PAG-IBIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Enero 1990

I

Itong aking puso dati ay walang pintig,

Ngayon ay nagmamahal at natutong umibig.

Sa kanya ay pilit kong ipinahiwatig,

Ang mabuhay sa mundong mayroong pag-ibig.

II

Ako ay labis na nagmahal sa kanya,

Sa simula pa ay sinamba ko na siya.

Kahit kay sakit ng kanyang pinadama,

Dito sa puso ko ay nag-iisa siya.

III

Subalit huli na ng aking nadama,

Ang puso pala niya ay hindi naiiba.

Mapagkunwari at mapagbalatkayo pa,

Dito sa mundo ay malimit kong makita.

IV

Kaya tinapos ko ang lahat sa amin,

Dahil 'di ko matanggap na ako ay linlangin.

Sa puso ko ay akin na lang titiisin,

Ang iwan ko siya at huwag nang ibigin.

V

Sa aking puso ay akin ng itinatak,

Ang huwag nang umibig nang 'di mapahamak.

Dahil 'di ko matanggap ang kanyang halakhak,

Na sa aking dibdib ay isang lagapak.

VI

Ako ay natakot na muling magmahal,

Sapagkat ang pag-ibig para sa akin ay banal.

Hindi ko hahayaan puso ay maging hangal,

Kaya ang pagsinta ay ginawa kong bawal.

VII

Sa panahong nagdaan ay aking nakita,

Ang pusong banal at nagpapahalaga.

At muling nabuksan ang aking pagsinta,

Puso ko ay nakadama ng ginhawa.

VIII

Natuklasan ko ang kanyang katauhan,

At nabatid kong isa siyang huwaran.

Puso niya ay banal at makatarungan,

Sa pagsuyo ay pawang katotohanan.

IX

At muling nabuksan itong aking puso,

Ngunit may takot na hindi ko matanto.

Hindi ko masabi itong aking pagsuyo,

Sapagkat puso ko ay takot na mabigo.

X

Hindi ko mabatid ang lahat ng bagay,

Sapagkat ako ay takot na siya ay mawalay.

Siya ay mahal ko ng higit sa aking buhay,

At ang lahat sa mundo ay aking ibibigay.

XI

Ngayon ay nadama ko ang wagas na pag-ibig,

At sa aking puso ay wala ng ligalig.

Sapagkat puso ko ay muli uling pumintig,

Sa pagkakataong dulot ng daigdig.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page