top of page
Search

SA PAGLIPAS NG PANAHON

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Agosto 1991

I

Nagmula ako sa udyok ng pag-ibig,

Ibinuga ako dito sa daigdig.

Dito ko isinigaw ang una kong tinig,

Upang ang himig ko sa inyo ay iparinig.

II

Noong iminulat ko yaring mga mata,

Ang ganda ng mundo ay aking nakita.

Unang unat ng kamay ko at paa,

Dampi ng hangin ay aking nadama.

III

Ang kahapon ay patuloy na lumilipas,

Aking kamusmusan ay tuluyan ng nagwakas.

Nagdaang panahon ay agad na kumupas,

Doon ko nadama ang pag-ibig na wagas.

IV

Tapos na tapos na itong kahapon,

Hindi na maaaring ibalik pa ngayon.

Dapat harapin ang ano mang hamon,

Hindi matatakasan dulot ng panahon.

V

Yaring aking diwa ay puno ng katanungan,

Mga bagay na hindi ko maintindihan.

Maging ang puso ko ay tunay na naguguluhan,

Ang gulong ng buhay ay kay hirap maunawaan.

VI

Mabuti pa ang bata walang nalalaman,

Magkasala man ay ligtas sa kasalanan.

Kahit na munti ang kanilang isipan,

Lumalabas sa labi ay pawang katotohanan.

VII

Natutuwa, nagagalit at naiiinis,

Ngunit ang puso ay nananatiling malinis.

Dahil hindi nagtatanim nitong hinagpis,

Kahit masakit ay marunong magtiis.

VIII

Ibig kong maging bata habang buhay,

Manatili na lamang kay nanay at tatay.

Sapagkat ang pag-ibig nila sa akin ay dalisay,

Saan man ihambing ay walang kapantay.

IX

Ngunit ang lahat ay may katapusan,

Pagiging musmos ay mayroon din hangganan.

Walang mananatiling magpakailanman,

Ang lahat ng bagay may ay kamatayan.

X

Ang pagiging musmos ko ay tapos na,

Ngayon ay haharap na ako sa dusa.

Aalis si ama maging si ina,

Iiwan nila akong nag-iisa.

XI

Sadya ngang ganito ang mabuhay sa mundo,

Ang katotohanan minsan ay magulo.

Dito ay walang mananatiling totoo,

Lahat ay luma at wala din bago.

XII

Ito ang panahon na ibig kong takasan,

Ang humarap sa mundo at makipagsapalaran.

Hindi ko man nais sa tadhana ay makipaglaban,

Itutuloy ko sapagkat kailangan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentarios


bottom of page