top of page
Search

SA PISNGI NG LANGIT

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 1990

I

Ang lahat ng bagay sa mundo ay mawawala,

Lahat ng ito ay maglalahong parang mga bula.

Hindi ko na mapapansin ang mata kong may luha,

Nagagalak na makita ang dakilang lumikha.

II

Paghihirap ko sa puso ay walang katapusan,

Nadarama ko ay hapding hindi malilimutan.

Itong ligaya ay tila hindi ko matagpuan,

At ang bumabalot sa akin ay kadiliman.

III

Ang puso kong nagmamahal ay hindi pinapansin,

Minimithi ko lamang ay ang konting pagtingin.

Pagmamahal sa mundo ay aking dinadalangin,

Hiling ko kay Bathala ako nawa ay dinggin.

IV

Puso ko ay tila napapagod ng umunawa,

At ang mata ko ay waring pagod na sa pagluha.

Ngunit ang pag-ibig sa puso ko ay hindi mawawala,

Hanggat nasa puso ko ang pangalan ni Bathala.

V

Ibig kong lumisan at ang lahat ay takasan,

Magtago sa mundo at ang tao ay talikuran.

Takot na ako sa ano mang kapighatian,

At ang nadarama ko ay isang kasinungalingan.

VI

Sa kahuli-hulihang yugto ng aking buhay,

Ang makakamtan ko ay ligayang walang kapantay.

Doon sa pisngi ng langit ako mahihimlay,

At ang pag-ibig ko sa tao ay hindi mamamatay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentarios


bottom of page