top of page
Search

SA PUSO AY MAKINIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Abril 15, 2010

I

Ako ay tumindig sa tayo ng iba,

Pilit kong dinadama ang nasa puso nila.

Bagamat iba-iba ang bawat isa,

May iisang nais na sila ay makuha.

II

Saan man sila dalhin nitong mga pangarap,

Pagmamahal ang lagi nilang hinahanap.

Nagpupumilit na ito ay malasap,

At sa damdamin ay pag-ibig ang maganap.

III

Ako ay humakbang sa bawat hakbang nila,

Pagdurusa ng puso nila ay aking nakita.

Sabihin man nila na sila ay masaya,

Tunay na ligaya ay hindi nila nakuha.

IV

May luhang pumapatak sa bawat mga mata,

Lungkot at hinagpis ay nasa puso nila.

Sadya ngang lahat ay hindi nila nakuha,

Dahil mali ang paraan na inakala nila.

V

Ako ay huminto at sila ay pinagmasdan,

Tindig at hakbang nila ay aking pinagmunian.

Nakita kong sila ay nasa katwiran,

Kaya marahil damdamin ay nakaligtaan.

VI

Ang nasa isip nila ay pinanindigan,

Dikta ng puso ay hindi nila pinakinggan.

Kaya marahil sila ay walang katahimikan,

Diwa nila ay lumalakad sa maling paraan.

VII

Hayaan mong ligaya ay matuklasan,

Puso mo ay bigyan mo ng kalayaan.

Huwag kang pakupkop sa isang kawalan,

Ang puso at diwa ay natuturuan.

VIII

Tagumpay ay kaakibat ng ligaya,

Ito ay nasa pusong walang pangamba.

Sa paglalakbay mo ikaw ay makiisa,

Sa puso at isipan ikaw ay makisama.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentários


bottom of page