top of page
Search

SA SULOK NG IYONG MUNDO

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2014

I

Batid mo ba ang iyong kalagayan?

Ikaw ba ay bahagi ng iyong nakagisnan?

May lugar ka ba na masasabing tahanan?

O sa mundong ito ikaw ay walang pagkalagyan?

II

Maraming salita ang sa isipan mo ay naglalaro,

Bawat katanungan sa puso mo ay nanunuyo.

Kalituhan ng isip ang lagi mong natatamo,

Dahil sarili ay nasa lugar na hindi mo matanto.

III

Iyong tukuyin ang iyong kinalalagakan,

Ang ligaya at saya ay doon mo matutunghayan.

Isipin mong ito ang iyong kapalaran,

Na hindi mababago kahit dumalangin man.

IV

Itinadhana ng Diyos ang bawat nating kapalaran,

Tangi mong magagawa ang guhit ay gampanan,

Kung ito man ay labag sa iyong kalooban,

Sa isang sulok, may ligayang sa iyo nakalaan.

V

Ikaw ay mamalagi sa dapat mong pagkalagyan,

Ang tunay na ligaya sa pagtanggap ay matatagpuan.

Laman ng puso at isipan mo ay nag-aalinlangan,

Sapagkat ika'y mapaghanap at walang kasiyahan.

VI

Sa isang sulok ng iyong mundo,

May nakatagong liblib na paraiso.

Lahat ng nais mo ay dito mo matatamo,

Pasakop ka sa sulok na laan sa iyo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page