top of page
Search

SAAN MAN PADPARIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 1997

I

Ako ngayon ay sa gitna nakatindig,

Tila nangangarap sa bagong daigdig.

Nawa ay may umakay sa aking mga bisig,

At dalhin sa mundong walang ligalig.

II

Hirap akong ang lahat ay unawain,

Kahit na pilitin na ito ay intindihin.

Tila kinakapos ang aking damdamin.

Bawat bagay ay hindi madaling intindihin.

III

Pinangangambahan ko ang mga mangyayari,

Kinatatakutan kong ako ay masawi.

Kaya kailangan ay maayos ko ang mali,

Upang sa pangarap ko ako ay magwagi.

IV

Ako ngayon ay nananatiling nakatayo,

Pinag-iisipan kung saan hakbang tutungo.

Saan man ako padparin nawa ay lumago,

Tanging tagumpay ang hinahangad ng puso.

V

Hindi man makarating sa hangad kong tuktok,

Ito ay hindi naman magiging isang dagok.

Basta sa langit ako ay makapasok,

Masaya na akong babalik sa alabok.

VI

Kung saan man ako padparin,

Ito ay kaya kong tanggapin.

Hindi man matupad ang aking hangarin,

Basta sa langit ako ay papasukin.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page