SAKALI
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Disyembre 14, 2001
I
Lahat ng bagay ay aking pinagbakasakali
Puso ay pinuno ng pag-asa't pasubali.
Subalit 'di sinasadya ang bawat pagkakamali,
Na sa puso ko ay nagdulot ng pagkasawi.
II
Inasahan ko ang bawat pag-asa,
Nangarap ako sa tuwi-tuwina.
Sapagkat ang hangad ko ay ligaya,
Tanggap ko kahit na may dusa.
III
Pinagsisikapan ko ang lahat ng bagay,
Ibig ko ay isang matiwasay na buhay.
Sinisikap kong buhay ko'y magkakulay,
Sa isang iglap iba ang sa aki'y pumatay.
IV
Naabot ko na ang ibig kong maabot,
Ngunit ang iba ay itinuri akong salot.
Kaya sa bawat gawin ko'y dilim ang ibinalot,
Ibinaon nila sa dibdib ko'y 'di magagamot.
V
Lilipas ang lilipas,
Sa hantungan ay magwawakas.
Sugat sa dibdib ay hahanapan ng lunas,
Maghihilom din ngunit hindi kukupas.
VI
Baka sakali sa ibang panahon,
Sa pangarap ko'y naroon ang tugon.
Bigo man ako noon at ngayon,
Bukas ay na sa akin ang paghamon.
Comments