top of page
Search

SALAMAT

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 1999

I

Hindi ako magsasawang sa inyo'y magpasalamat,

Pagmamahal ko sa inyo ay walang makakatapat.

Pipilitin kong ako sa inyo ay maging sapat,

Yaring sarili ko at buhay ay iaalay kong lahat.

II

Walang kayamanan na sa akin ay manggagaling,

Pasasalamat ko ay ipadarama sa lambing.

Kakayahan ko ay hindi ganoon kagaling,

Ngunit pagmamahal ko ay hindi sinungaling.

III

Gaano man kahirap ang buhay kong haharapin,

Ang dusa at hinagpis ay hindi ko papansinin.

Sapagkat mas nakahihigit yaring damdamin,

Pagmamahal sa magulang walang makakaangkin.

IV

Hindi ko kayang iguhit ang nasa puso,

Ligayang nadarama, kung kayo ay kasuyo.

Wagas na pagkalinga ang aking natamo,

Kayo ay sadya ngang bigay ng nagsugo.

V

Tangi kong maiaalay ay itong aking ngiti,

Kasiyahan ay ipakikita nitong mga labi.

Upang ang lungkot sa isipan ay hindi sumagi,

Halakhak ng ngiti ko ay sa inyo dadampi.

VI

Damhin ninyo ang aking pasasalamat,

At ang pagmamahal kong sa inyo inilapat.

Walang sandali na sa akin ay makakaawat,

Upang mahalin kayo ng higit sa sapat.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page