top of page
Search

SALAMAT AKO AY PINATAWAD

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 2 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Abril 2000

I

Sa iyo nagmula yaring aking buhay,

Ikaw YAHWEH ang nagturo ng lahat ng bagay.

Minahal mo ako ng wagas at dalisay,

At ang lahat sa mundo ay iyong inialay.

II

Akala mo ay kulang pa ang iyong pag-ibig,

Kaya isinigaw mo sa buong daigdig.

Ipinaaalam kong aking narinig,

Ang sigaw ng iyong pusong may tinig.

III

Ang pagmamahal mo sa akin ay ibang iba,

May ngiti sa labi at laging may saya.

Buong dulot mo sa akin ay ligaya,

Tunay na pagmamahal ang sa akin ay pinadama.

IV

Minahal mo ako, libong taon na ang nagdaan,

Ginampanan mo ang hindi mo katungkulan.

Pag-ibig mo sa akin ay walang hanggan,

Walang katumbas at walang kamatayan.

V

Tunay na banal ang iyong puso,

Sa kabiguan ko ako ay inihango.

Malimit ka sa piling ko at hindi lumalayo,

Maging sa kalungkutan, ako ay sinusuyo.

VI

Itong aking puso ay lagi mong iniingatan,

Ang bawat hiling ko ay iyong pinagbibigyan.

Mas hinangad mo ang ako ay handugan,

Kaysa bawian o kaya ay sumbatan.

VII

Pagkakamali ko ay iyong pinupuna,

Bawat tama ay pinupuri mong may saya.

Lahat ng handog ko ay iyong kinaligaya,

Ang bawat nating puso ay iyong pinag-isa.

VIII

Kung tawagin mo ako ay anak,

Kailan man ay hindi mo ako hinamak.

Pagmamahalan natin ay punong-puno ng galak,

Minsan nagkalayo, puso ay waring nasa lusak.

IX

Ang mga katanungan ko ay iyong sinasagot,

At ang habilin ko ay hindi mo nililimot.

Hindi mo hinayaan pag-iibigan natin ay malagot,

Kaya sugat sa puso ko ay iyong ginamot.

X

Bagamat may mali sa bawat kong nagawa,

Puso mo ay binuksan, upang ako ay maunawa.

Wagas mong pagtingin ay sadyang Dakila,

At mga karunungan mo ay kahanga-hanga.

XI

Salamat sa iyong pagpapatawad,

Napagtanto kong ang buhay ay 'di huwad.

Muli kong nakita ang guhit ng aking palad,

Kakapit kamay kita sa aking paglalakad.

XII

Walang suliranin ang 'di ko mahaharap,

Kakampi ko ang langit sa bawat pangarap.

Kung may dusa na aking kinakaharap,

Ito ay bahagi ng iyong paglingap.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page