SALAMAT KAIBIGAN
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 1990
I
Ako ay nagmula sa Dakilang lumikha,
Binigyang buhay upang maging malaya.
Subalit ang mundo ay tila mandaraya,
Naliligaw ako at laging nawawala.
II
Maraming daan ang aking pinuntahan,
Natunton ko ang aking patutunguhan.
Doon ko nadama ang kaligayahan,
Subalit ito ay hindi sa akin laan.
III
Bagong buhay na ang mundo kong tatahakin,
Tila magulo ang mundo kong lalakarin.
Simula na ito ng bago kong hangarin,
At ang kailangan ko ay munting dalangin.
IV
Pangarap ko ay tila walang katuparan,
Kailangan ko ay isang masasandigan.
Tulad ng mga anghel sa kaitaasan,
Gagabayan ako hanggang sa kamatayan.
V
Ikaw ang matagal ko ng hinihintay,
Salamat sa Diyos at ikaw ay ibinigay.
Munti man ako ay binigyan mo ng buhay,
Hindi mo hahayaan na mithi ko'y mahimlay.
VI
Huwag kang mangamba aking kaibigan,
Mga kabutihan mo ay gagantimpalaan.
Ang kaluluwa mo ay may patutunguhan,
Kaligayahan sa mundo ay makakamtan.
Comentarios