top of page
Search

SALANSAN NG BUHAY

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Mayo 21, 2010

I

Ako ay nagmula sa magulong simula,

Pinanggalingan ko ay paligid na nagwawala.

Tila baga ako ay hindi na makakawala,

Sa gulo nitong buhay ako ay hindi na makalaya.

II

Aking sinimulan ang buhay ay isalansan,

Bawat bagay ay aking pinagplanuhan.

Simula sa paggising at hanggang sa higaan,

Aking isinaayos ang bawat kong gagalawan.

III

Aking iningatan ang bawat oras,

Ginamit ko ito ng may wakas.

Nais kong pakinabangan ang aking lakas,

Kaya hindi inaksaya ang segundong lumilipas.

IV

Buhay kong kinagagalawan minsan ay huminto,

Napagod harapin ang sunod-sunod na yugto.

Sapagkat sa nakalipas ako ay laging bigo,

Kaya ako ay kusang lumayo at nagtago.

V

Muli kong sinalansan ang buhay kong lumiliko,

Sa landas ng kapighatian ay muli akong tumungo.

Aking binalikan ang sanhi ng pagkabigo,

Nakita kong ang buhay ay sadyang yugto-yugto.

VI

Hinay-hinay lang ang sabi ko sa sarili,

Inisip ko na lamang na ang lahat ay nakakawili.

Kahit ang kalungkutan ay hindi dapat isantabi,

May ngiti itong hindi mo masasabi.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page