top of page
Search

SANA AKO AY IYONG MAKITA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1993

I

Sana ay patas ang iyong pagtingin at pag-ibig,

Sa kanila at sa akin ay pantay kang umibig.

Subalit ang pinili mo ay kanilang mga pintig,

Sapagkat may karangalan na sa iyo ay ihahatid.

II

Paghuhusga ay tinanggap ng may kahinahunan,

Maging ito man ay sala at wala sa katwiran.

Paniniwala mo ay hindi ko na pangungunahan,

Ang nasa puso ko ay hindi na ipagpipilitan.

III

Bakit kailangan pang ikaw ay may itangi?

Hindi ba puwedeng ikaw ay huwag nang mamili?

Batid mo ba na ang puso ko ay iyong sinawi?

Buhay ko at diwa ay nasira sa iyong pagpili.

IV

Wala akong kasalanan na sa iyo ay nagawa,

Maliban sa umasang kalinga mo ay iaadya.

Ang puso kong ito ay sadyang iyong pinaluha,

Nasaktan ng labis sa pighating natamasa.

V

Bakit nga ba ako ay sadyang hindi mo minahal?

Gayong sinikap kong ako ay iyong ikarangal.

Kahit ang pag-ibig mo ay idaan ko sa dasal,

Ang turing mo sa akin, ako sa iyo ay sagabal.

VI

Pagnilayan mo at isipin na ako ay tulad nila,

Hindi ko nais kung ano man ang pinagkaiba.

Asahan mong ako ay patuloy na aasa,

Na kahit sa paglingon ako ay iyong makita.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page