top of page
Search

SARILI

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Disyembre 2006

I

Kilala mo ba ang iyong sarili?

Nagkasama na ba kayo at nagkasarili?

Sarili ay kilalanin mong mabuti,

Nang sa buhay mo ikaw ay may masabi.

II

Alam mo bang ikaw ay may halaga?

Sa buhay ng iba ikaw ay nakakapagpasaya.

Hinahangaan nila ang taglay mong ganda,

At mga katangian mo ay tunay na nakakahalina.

III

Ngunit bakit sarili ay tila hindi mo pansin?

Buksan mo ang iyong isip at sarili ay kilalanin.

Pagmasdan ang sarili sa malinaw na salamin,

Titigan ito at makikita mo ay malalim na damdamin.

IV

Bawat tao ay may kanya-kanyang katangian,

Iba't ibang ang uri ng kalakasan.

At bawat isa ay may kahinaan,

Katulad mo lahat ng tao ay nasasaktan.

V

Huwag mong hanapin ang mayroon sa iba,

Tingnan mo kung ano ang meron ka.

Sarili ay huwag mong ikukumpara,

Sapagkat may biyaya kang wala sila.

VI

Pagmasdan mo ang katangian na meron ka,

Inilaan sa iyo upang ikaw ay lumigaya.

Tanging ikaw ang sa sarili ay magpapahalaga,

Yakapin mo ang buhay ng may ngiti at saya.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page