top of page
Search

SARILI AY KILALANIN MO

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2014

I

Hindi mo ba alam ang mali sa tama?

Bakit ang lahat ay tila hindi mo maunawa?

Hindi mo ba batid ang saya at luha?

Bakit ang puso mo ay manhid na tila?

II

Hawakan mo ang hangin at supilin,

Kaya mong ipatupad ano man ang mithiin.

Lahat ng bagay ay ariin mo at yapusin,

Damhin ang puso at laman ng damdamin.

III

Tuklasin mo ang bawat nasa paligid,

Hangarin mo na ang lahat ay mabatid.

Ang buhay ay isang mahabang lubid,

Tahakin ito at sa tagumpay ikaw ay ihahatid.

IV

Ang dunong at talino ay iyong makakamtan,

Ito ay makakamit sa pakikipagtulungan.

Bagamat hindi mo batid ang bawat kadahilanan,

Ang unawa ay dadampi kung pahihintulutan.

V

Sa bawat araw ang lungkot ay sumasagi,

Pilitin mong ang saya sa isipan mo ay mamalagi.

May luha man sa bawat mong pagkasawi,

Tagumpay ay makakamit ng pusong nagmimithi.

VI

Lawakan ang isipan na pilit mong kinulong,

Upang makamtan mo yaring dunong.

Nag-iisang buhay ay iyong isulong,

At puso ay turuan sa langit ay bumulong.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page