top of page
Search

SIGURISTA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 1999


Natatakot akong magmahal, baka hindi sumapat.

Ilang akong magbigay, baka kulangin.

Hirap akong intindihin, baka hindi ko maunawaan.

Naaalangan akong lumapit, baka ako ay talikuran.

Ayaw kong subukan, baka ako ay mabigo.

Hindi ko na aalamin, baka ako ay masaktan.

Ayaw kong umpisahan, baka hindi ko matapos.

Hindi ko ibibigay, baka tanggihan.

Hindi ako hihiling, baka ako ay pawalan.

Ayaw kong magpayapos, baka ako ay bitiwan.

Hindi ko itatanong, baka hindi masagot.

Ayaw kong titigan, baka hindi tumingin.

Hindi ako haharap, baka ako ay talikuran.

Hindi ako hahakbang, baka ako ay mapatid.

Mabuti pang lumisan bago nila ako iwanan.

Hindi ako magmamahal dahil ayaw kong masaktan.

Anu't ano man ang lahat ng kadahilanan,

Bawat pagpigil ay walang patutunguhan.

Mas mabuti pang lahat ay panindigan,

Upang ang buhay ko ay magkaroon ng katuturan.

Pagiging sigurista ay isang kalokohan…….


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page