SILIP
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Enero 6, 2016
I
Pasilip silip sa isang lumipas,
Ang diwang may tangang bukas.
Iniisip mga luhang nakabakas,
Sinisilip kung bakit walang lunas.
II
Bumabalik ang diwa sa kahapon,
Ang lumipas ay pilit na hinahamon.
Wari bang may sayang itutugon,
Sa tanong na bakit nagkaganoon.
III
Pag-ibig ay sumpang matatawag,
Lumason sa isipang naduduwag.
Luha ay inihain sa dagat inilatag,
Nitong isipang nilason at naduwag.
IV
Silip ng silip sa bukas na haharapin,
Tinitiyak kung puso ay may damdamin.
Nais balikan ang tamis ng pagtingin,
Sa iniirog ng puso may hiling na dalangin.
V
Silip sa kahapon at silip sa bukas,
Isipan ay nagwawala at nagpupumiglas.
Nanghihina sa kakaisip, nauubos ang lakas,
Mapagsilip na diwa ang hanap ay lunas.
VI
Silipin mo ang bukas at huwag ang lumipas,
Sarili mo ay hindi imbakan ng nagwakas.
Sa iyong pagsilip may dusang madadanas,
Nagpapabalik-balik ka sa hinagpis na kupas.
Comentários