top of page
Search

SINO ANG MAY SALA?

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1993

I

Binibiro ako nitong ating tadhana,

Ang hirap at sakit ay kapwa iniadya.

Sinaktan ako at mata ko ay pinaluha,

Tinik sa dibdib ko ay wari bang sinadya.

II

Sinong may kasalanan nitong kasawian,

Ako ba ang may mali o yaring kapalaran?

Sinunod ko lamang yaring nararamdaman,

Akala ko ay tama ang makipagsapalaran.

III

Kay lupit ng sa buhay ko ay aking nagawa,

O kay sakit ng sa akin ay iniadya.

Kabiguan lamang ang tangi kong napala,

Dito sa pagsunod ko sa pusong malaya.

IV

Ako nga ba ang siyang tunay na nagkamali,

O itong tadhanang mali ang siyang pinili?

Yaring aking puso ay nasaktan at nasawi,

Sana ang panahon ay bumalik ng maulit muli.

V

Kung maibabalik ko lamang ang nagdaang noon,

Babaguhin ko ang takbo nitong kahapon.

Upang napag-isipan ko ang dapat itugon,

Nitong kapalaran na sa akin ay humamon.

VI

Sino nga ba ang siyang tunay na may sala,

Sa pighati at parusang aking nadama?

Kung sino man ang sanhi nitong pagdurusa,

Ako ang siyang pumili sa kapalarang nakuha.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page