top of page
Search

SUNTOK SA BUWAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Hunyo 10, 2008

I

O kay taas ng kalangitan,

Kaya hindi ko maabot ang buwan.

Pilitin ko man ito ay hawakan,

Hampas sa hangin ang kinahantungan.

II

Suntok sa buwan ang aking pag-ibig,

Ginulo lamang ako at niligalig.

Buwan na sumasalamin sa tubig,

Ganda ay inalon at ang tubig ay nanlamig.

III

Kay daming bituin na hindi maabot,

Tulad ng pangarap na hindi ko mahablot.

Kung babagsak man ay hindi masasambot,

Puso ko ay nanghihina at nasadlak sa lungkot.

IV

Masdan mo ang matang natuyo sa luha,

Patak ng pighati sa dibdib ko ay dumagsa.

Sa kabiguang nakamit, isipan ko'y nagwawala,

Pilit nagpupumiglas, sa lungkot ay makawala.

V

Hindi lahat ng bagay ay aking maaangkin,

Marahil ay mali ang aking mithiin.

Ako ay nangarap sa hindi dapat maging akin,

Kaya ang nakamtan ko ay luha ng bituin.

VI

Magpasuntuk-suntok man ako sa buwan,

Kung ang pag-ibig ay hindi sa akin laan.

Kabiguan lamang ang kahihinatnan,

Nitong puso kong mali ang naibigan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page