top of page
Search

TAKBO O AKING ISIPAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Nobyembre 10, 2012

I

Takbo o aking isipan,

Hinahabol ka nitong kalungkutan.

Huwag mo siyang titingnan,

Upang ang diwa mo'y 'di niya mapuntahan.

II

Kapag ikaw ay kanyang inabot,

Piliting intindihin, katwiran niyang baluktot.

Dahil ang kalungkutan ay sadyang masalimuot,

Ito ay isang lason na tila walang gamot.

III

Kalungkutan ay isang kamatayan,

Pilitin mong ito ay matakasan,

Wala itong idudulot na may katuturan,

Isa itong lason na dapat talikdan

IV

Takbo o aking isipan,

Masarap mabuhay ng may kasiyahan.

Takasan mong pilit itong kalungkutan,

Ito ay mapaglinlang at isang bulaan.

V

Iyong ilayo ang isip sa kalungkutan,

Sa diwa ay itanim ang ngiti ng karunungan.

Kapag ang lungkot sa iyo ay nanahan,

Diwa mo ay tutungo sa mundo ng kawalan.

VI

Takbo ng takbo o aking isipan,

At tumakas ka sa lungkot ng kalungkutan.

Maraming paraan upang ligaya ay makamtan,

Ngumiti ka at sa iba ay makipagtawanan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page