top of page
Search

TALUDTOD NG BUHAY

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2014

I

Kung ang buhay mo ay hindi mo kayang galawan,

Ipaubaya mo ito sa guhit ng iyong kapalaran.

Higit na mainam ang ikaw ay makipagsapalaran,

Kaysa lumaban sa mundong hindi mo maunawaan.

II

Ikaw ay magpasakop sa iyong tadhana,

Matutuklasan mo na doon ay may laang biyaya.

Huwag mong sukatin ang lantad sa madla, 

Isipan ay turuan na sa bawat isa ay may nakaadya.

III

Sa buhay na iyong babaybayin at tatahakin,

May daang liko na hindi mo mapapansin.

Batid ng Diyos ang bawat mong lalandasin,

Itinakda ng maykapal ang mundo mong haharapin.

IV

Sa bawat baitang ng buhay ikaw ay malugod,

Huwag mong pakdawan yaring taludtod.

Ito ang daan upang yumuko ka at lumuhod,

Diyos ay nakaabang sa kamay mong nakasahod. 

V

Iwaksi sa isipan ang lahat ng iyong takot,

Upang maharap mo ang tanong at sagot. 

Ingatan mong sa buhay, ikaw ay mabugnot,

Pagiging mahinahon ay may kapayapaang dulot.

VI

Ang lungkot at saya ay iyong samahan,

Kabiguan at tagumpay ay hayaan mong makamtan.

Luha ay natutuyo sa hangin ng kasiyahan,

Ituro ang pag-ibig sa puso mo at isipan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page