top of page
Search

TINDIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Disyembre 14, 2013

I

Lampa kong mga paa ay tila hindi makatindig,

Kaya aking ginapang ang malawak na sahig.

Pilit na nililibot ng diwa yaring daigdig,

Upang aking marating, may tangan ng pag-ibig.

II

O kay hirap unawain ang bawat puso,

Natuklasan ko ang lahat ng tao ay nabibigo.

Ang pangarap at pag-ibig ay 'di madaling matamo,

Pang-unawa'y isandata sa pagsubok na mapagbiro.

III

Iwinaksi ko ang sagabal sa aking hinaharap,

Ito'y takot at pangambang sumusira sa pangarap.

Sa pagtindig ng diwa ko ang ligaya'y nalalasap,

Hamon at pagsubok sa aki'y 'di makapag papahirap.

IV

Hindi man makatindig mga paa kong napapagod,

Diwa at puso ko sa karunungan ay sumusunod.

Walang daan na hindi ko kayang sumugod,

Dahil ang pangarap at kasawian ay aking pinagbuklod.

V

Totoong ang bawat paa ay may kahinaan.

At ang sanhi nito ay ang ating mga kakayahan.

Diwa ng tao ang dapat maninindigan,

Upang mga paa ay humakbang ng may kahinahunan.

VI

Ang may tangan ng pag-ibig ay aking babaybayin,

Mahirap man makita ay piliti ko itong hahanapin.

Dahil kapag ang tao ay may kipkip na panalangin,

Ang pag-ibig ay lalapit upang siya ay suyuin.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page