top of page
Search

TIWALA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Disyembre 1991

I

Nakalulungkot isipin ang katotohanan,

Ikaw na mahal ko ay walang paninindigan.

Lagi mong iniisip na ako ay bulaan,

Sa katapatan ko, ikaw ay nag-aalinlangan.

II

Ibinabalik mo sa akin ang nakalipas,

Hinuhusgahan na ang pag-ibig ko'y 'di wagas.

Inuungkat sa puso ang naiwang bakas,

Sana ay kalimutan at harapin ang bukas.

III

Hindi ko mapigil ang pagpatak nitong luha,

Hindi ko matanggap na ikaw ay walang tiwala.

Kung sadyang ito ang iyong paniniwala,

Pabayaan mo akong tuluyang mawala.

IV

Tutuparin ko ang aking pangarap,

Kay Bathala ako ay haharap,

Hihingiin ko muli niyang paglingap,

Wagas na pag-ibig ay nais kong malasap.

V

Kapwa tawad tayo sa bawat nangyari,

Aminin na natin na tayo ay mali.

Sana ay hindi ako ang iyong pinili,

Upang hindi mo nalasap ang sakit ng masawi.

VI

Hindi ko pinagsisisihan ang ikaw ay ibigin,

Sapagkat ito ay matagal ko ng dalangin.

Taos puso kong pag-ibig ay inihain,

Pinagdudahan mo at nangambang babawiin.

VII

Sadyang hindi ko maintindihan ang iyong puso,

Kaya pinasya kong sa iyo ay lumayo.

Malaya kang ibaling ang iyong pagsuyo,

Sa iba mo hanapin ang hindi mo napagtanto.

VIII

Bagamat ikaw sa akin ay walang tiwala,

Pag-ibig pa rin ang sa iyo ay iaadya.

Mararamdaman mo kahit ako ay wala,

Dadampi sa iyo ang patak ng aking luha.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Commentaires


bottom of page