top of page
Search

TUGON SA LINGON

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2014

I

Ikaw ay nasalubong nitong aking puso,

Habang ang kalungkutan sa akin ay nanunuyo.

Ako ay nabigo sa una kong nakatagpo,

Puso at diwa ay hindi alam kung saan patutungo.

II

Sa aking paglalakad ikaw ay bumati,

Ang lungkot at takot ko ay iyong hinawi.

Bagamat ikaw ay hindi ko minithi,

Puso mo ay inialay sa puso kong sawi.

III

Kamalian nagawa ko ng ikaw ay tinanggap,

Sapagkat batid ko naman ako ay hindi lilingap.

Akala ko puso ko ay matututong humarap,

Sa puso mong tapat at sa akin ay nangungusap.

IV

Batid ng Diyos na puso ko ay sinubukan,

Mahalin ka ng tapat at walang hanggan.

Ngunit ang puso pala ay hindi natuturuan,

Ako ay lumisan at puso mo ay tinalikuran.

V

Nabanggit ko sa iyo ang salitang paalam,

Puso ko ay nagpasintabing ikaw ay aking iiwan.

Sa biglang hampas nitong kapalaran,

Iniwan kitang nag-iisa at nilulod sa kasawian.

VI

Turuan nawa ng panahon ang iyong puso,

Pag-ibig mo nawa'y ibaling sa iyong makakatagpo.

Limutin mo ako maging ang tamis ng pagsuyo,

Buhay mo ay simulan sa bagong yugto.

VII

Lumakad ang panahon at iniwan na ang kahapon,

Ngunit ang puso mo ay sa akin pa rin nakatuon.

Narinig ko ang tawag ng puso mong humahamon,

Pangalan ko ay isinisigaw sa bawat panahon.

VIII

Umaalingawngaw sa hangin, sigaw ng iyong puso,

Pagnanais na ako ay muli mong makatagpo.

Nang ito'y aking narinig, ako'y lumayo at nagtago,

Upang ang kabiguan ay hindi mo muling matamo.

IX

Huwag ka ng magpalingon-lingon,

Pag-ibig mo sa akin ay iyo ng ibaon.

Ligaya ng puso mo ay iyong matutunton.

Isipin mong ako ay bahagi lamang ng noon.

X

Ako ay isang kahapon sa iyong buhay,

Bahagi ng puso mong dumanas ng lumbay.

Ikaw ay kahapon ng puso kong tinataglay,

Na sa akin ay nagmahal at sa diwa ko'y umalalay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page