UGALI
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Pebrero 13, 2007
I
Ikaw ba ay may ugali?
Sa palagay mo ikaw ba ay nagkakamali?
Ang nagawa mo ba ay mababawi,
Sa isang pusong binigo mo at sinawi?
II
Mata mo ba ay nanunuri?
Mga wika mo ba ay alam ng labi?
Nagsasalita ka ba ng tama o mali?
O kaya mong dalhin ang sigaw ng budhi?
III
Aaminin mo ba ang iyong sala,
O magpapanggap kang ligtas ka?
Lokohin ang sarili sa tuwina,
Alalahanin mong ikaw ang magdadala.
IV
Sa bawat taong nasaktan mo na,
Ang nagawa at nasabi ay hindi na mabubura.
Magkunwari ka man na hindi nakikita,
Sa dilim, ang tama ay sa iyo pupuna.
V
Yaring ugali mo ay sa iyo sasawi,
Kung gagawin ang bawat mali.
Kung nais mong ikaw ay magwagi,
Ayusin ang iyong pag-uugali.
VI
Ikaw ba ay sanhi ng kanyang pagluha?
Ingatan mong ito ay magawa.
Kapag ikaw ay kanyang isinumpa,
Kahilingan ay iaadya kung ito ay tama.
Comments